
Nina ROMMEL P. TABBAD at BELLA GAMOTEA
Nahaharap sa kasong plunder at graft sa Office of the Ombudsman si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez dahil sa umano’y pagbibigay niya ng real tax amnesty na aabot sa halos P500 milyon noong 2013.
Tinukoy ni Jonathan Bernardo, dating barangay kagawad ng San Dionisio, na mula sa dating P12,000 ay ibinaba sa P6,000 per square meter ang assessment ng pamahalaan sa real property tax ng Wenceslao Group, ang developer ng entertainment hub projects noong Nobyembre 2013.
Reklamo ni Bernardo, isinagawa ang naturang transaksiyon sa kabila ng nakabimbing kaso ng developer sa Parañaque.
Kaugnay nito, pansamantalang pinasususpinde sa puwesto si Olivarez, gayundin ang mga konsehal, habang gumugulong ang imbestigasyon.