Ni: Jel Santos
Dinakma ang apat na miyembro ng pamilya sa buy-bust operation sa loob ng kanilang bahay, na nagsisilbi umanong drug den, sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Freddie de Guzman, Sr.; kanyang mga anak na sina Zaldy at Freddie, Jr.; at misis niyang si Angelica.
Sa isang panayam, sinabi ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Chito G. Bersaluna na nakipagtransaksiyon sa mga suspek ang kanyang mga tauhan mula sa Drug Enforcement Unit (DEU) sa bahay ng mga ito sa Barangay 59, Caloocan, dakong 10:00 ng gabi.
Ayon sa kanya, nang matanggap ng undercover agents ang marked money mula sa mga suspek, naglabasan na ang mga pulis at inaresto ang pamilya.
Sa loob ng bahay, nakauha ang 10 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.
Sinabi ni Bersaluna na nakipagtulungan sa kanila ang mga residente sa lugar ng biktima at ipinaalam ang ilegal na aktibidad ng mga ito.
“We are thankful to the residents of Barangay 59 for reporting the illegal activities of the De Guzmans. I would also like to encourage other residents to report to us any illegal activities in their area so we could help them,” ayon sa hepe.
“I am assuring them that their identities will not be disclosed. They can go to our office or call us to report illegal activities,” dagdag niya.