Ni: Lyka Manalo

STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang 60-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:30 ng umaga nitong Martes at sakay sa motorsiklo si Danilo Javier, taga-Barangay San Roque, patungo sa kabayanan ng Sto. Tomas nang pagbabarilin.

Nakatakas ang suspek na sakay sa asul na kotse, ayon sa report.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng bala ng .5.56 caliber at inaalam na ang motibo sa pamamaslang.