PHIL copy copy

NEW YORK (AP) – Hindi na naayos ang gusot sa pagitan nina coaching icon Phil Jackson at Carmelo Anthony na humantong sa pagalsa-balutan ng Hall-of-Famer.

Matapos ang tatlong taon, nagbitiw bilang pangulo ng New York Knicks si Jackson. Inaasahang pormal itong ipapahayag ng management sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Matatandaang, nais ni Jackson na i-buyout ang nalalabing kontrata ni Anthony (US$55 milyon), ngunit hindi ito

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

pinayagan ng management. Hindi maayos ang samahan ng dalawa bunsod umano ng hindi pagsunod ng Olympian sa nais ni Jackson – gumabay sa anim na kampeonato ni Michael Jordan sa Chicago Bulls, gayundin sa limang titulo ng Los Angeles Lakers sa panahon ni Kobe Bryant.

Bago ang naturang kaganapan, naipahayag ng 71-anyos na si Jackson ang planong i-trade ang Latvian star na si Kristaps Porzingis, kinuha ng Lakers bilang fourth overall pick noong 2015 NBA draft.