Ni: Bella Gamotea

Dahil sa simpleng away sa platong pinaglagyan ng pulutan, patay ang isang construction worker makaraang saksakin ng kanyang katrabaho sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Kevin Lampitok, 23, stay-in construction worker sa itinatayong commercial building sa Yakal Street, San Antonio Village ng nasabing lungsod, dahil sa saksak sa dibdib.

Tinutugis na ang suspek na si Val Flores.

Probinsya

LTO enforcer na nagtatago habang nanghuhuli, inisyuhan ng show cause order

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, naganap ang pananaksak sa barracks ng gusali, bago mag-1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Michael Bilason, ng Barangay Task Force, sa ‘di kalayuan sa barracks ay umiinom ng alak ang biktima at gamit-gamit nito ang plato ng suspek na pinaglagyan ng pulutan.

Tinanong umano ni Flores si Lampitok kung saan galing ang plato na ginagamit sa pulutan at sumagot umano ang huli ng, “galing sa nakaw” na ikinairita ng una at nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, nagdesisyon si Flores na bumalik na sa barracks ngunit sinundan siya ni Lampitok.

Hindi alam ng biktima, may hawak na patalim ang suspek at bigla itong sinaksak sa dibdib.