Ni: Fer Taboy

Isang lasing na lalaki ang nasawi makaraang suwagin ng isang toro sa Sitio Pukutin, Barangay Vitali, Zamboanga City kahapon.

Batay sa report ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), huling nakitang buhay si Dodong Atilano, 34, habang sakay sa isang toro at pauwi sa bahay. Pinaniniwalaang lasing ang biktima.

Ayon sa report, nakitang nagwala ang toro at sinuwag si Atilano, na patay na nang tigilan ng hayop.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog