Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

Patuloy na kumakalat sa Cebu ang ilang report tungkol sa pekeng bigas kahit kinumpirma na ng National Food Authority (NFA)-Region 7 sa publiko na ligtas ang lalawigan sa pagkakaroon ng fake rice.

Inihayag kahapon ng NFA-7 na iimbestigahan nito ang ulat tungkol sa kaso ng umano’y pekeng bigas na nabili mula sa isang bigasan sa Lapu-Lapu City.

Sumangguni si Delia Alegado, residente ng Barangay Basak, Lapu-Lapu City sa lokal na istasyon ng radyo sa Cebu upang idulog ang kanyang hinaing na ang nabili niyang bigas ay peke umano.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nagkakahalaga ng P1,780 ang 50 kilong bigas na kanyang nabili, na ang sako ay natatatakan ng “Made in Pakistan”.

Ayon kay Alegado, nagmukhang styrofoam ang naturang bigas nang iluto niya bilang aroz caldo. Aniya, nagulat siya nang makitang nagmukhang styrofoam ang lugaw nang kuhanin niya ito mula sa refrigerator.

Hinimok naman ng NFA-7 na magsumite si Alegado ng kahit na isang kilo ng sinasabing bigas upang masuri sa laboratoryo.