Ni NITZ MIRALLES

MAGIGING busy ang huling kalahati ng 2017 ni Dingdong Dantes dahil sa dalawang pelikulang gagawin at sisimulan na rin ang Book 2 ng Alyas Robin Hood 2 sa GMA-7.

Sinulat namin kahapon na nag-look test na sila ni Anne Curtis para sa pelikulang Sid at Anya na co-produced ng Viva Films at N2 Productions ni Neil Arce. Si Irene Villamor na director ng Camp Sawi ang mamamahala nito. Romance-comedy raw ang concept nito.

DIREK CATHY, RONALDO, AGA, DINGDONG, KRISTINE AT ENRIQUE copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nag-storycon na rin ang pelikulang gagawin ni Dingdong sa Star Cinema na Seven Sundays. Ayon sa initial info na nasagap namin, family drama ang Seven Sundays. Tiyak na mapapasabak sa aktingan si Dingdong dahil makakasama niya rito sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez. Si Cathy Garcia-Molina ang director ng movie.

First time makasama ni Dingdong ang buong major cast at nakakatuwa dahil pinsan pala niya si Enrique. Family drama naman daw ang tema ng movie.

Ito ang pagbabalik-pelikula ni Aga after a long haitus sa big screen.

Bukas, Friday, kung hindi muling mababago ang schedule, magkakaroon ng storycon para sa action series na Alyas Robin Hood. Book 2 na ito, kaya ang mga namatay na karakter sa Book 1 ay hindi na makakasama sa cast, gaya nina Megan Young, Sue Prado at Sid Lucero.

Kasama pa rin sa cast sina Andrea Torres, Dave Bornea, Lindsay de Vera at Jaclyn Jose. May bagong idadagdag na hindi pa puwedeng pangalanan dahil hindi pa raw sigurado.

Dapat, noong nakaraang Miyerkules ang storycon ng Alyas Robin Hood 2, pero kinailangang ilipat ng araw dahil hindi pa kumpleto ang cast. Ang narinig namin, makakasama na sa serye si Solenn Heussaff bilang isa sa leading lady ni Dingdong kapalit ni Megan.

Sa storycon natin malalaman kung sino ang magdidirehe ng Alyas Robin Hood 2 dahil ang original director nitong si Dominic Zapata ay busy ngayon sa Mulawin vs Ravena. Bago matapos ang taon ang airing ng action series.