Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Wangs vs Cignal HD

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

5 n.h. -- AMA Online vs CEU

BALIK aksiyon ang Cignal HD mula sa siyam na araw na pahinga sa pakikipagtuos sa Wang’s Basketball sa unang laro ng double header ng 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Taglay ang markang 5-2, kuntento si coach Boyet Fernandez sa ipinakita ng Hawkeyes sa nakalipas na mga laro.

Gayunman, marami pa rin siyang gustong maayos at hangga’t maaari ay mas mapaangat sa koponan.

“May mga mali pa rin, but we just have to be consistent and not be complacent in our coming games,” ani Fernandez.

Ngunit sa pagkakataong ito, sasabak sila na wala ang isa sa matinik na player na si Davon Potts na kinakailangan nang mag focus sa kanyang nalalapit na paglalaro sa NCAA para sa San Beda.

Makakatunggali ng Cignal ang inspirado ngayong Wang’s Basketball na galing sa dalawang dikit na panalo ganap na 3:00 ng hapon.

Ayon kay Couriers coach Pablo Lucas, natagpuan na rin ng kanyang koponan ang matagal nang hinahanap na chemistry.

“Unlike before na may wall, ngayon naging isa na kami. Kita naman sa mata ng mga players na ayaw talaga nilang matalo eh,” ani Lucas.

Ginulat ng Wangs ang Racal, 93-84 noong Lunes sa pamumuno nina Fil-Am Robbie Herndon, Chris Bitoon, at Michael Juico.

Kasunod nito, magtutuos sa ikalawang laro ganap na 5:00 ng hapon ang mga school-based squads Centro Escolar University (2-2) at AMA Online Education (0-4).

Para kay Scorpions coach Yong Garcia, ganap na ring nakapag -adjust ang kanyang koponan kaya’t unti-unti na ring umaangat ang kanilang laro.

“Medyo nakapag-adjust na rin naman kami. Pero ang focus pa rin naman namin is mag-improve every game,” ani Garcia.

Sa kabilang dako sisikapin naman ng Titans na makopo na ang napakailap na unang panalo.