Ni: Marivic Awitan

IPINAHAYAG ng FIBA (International Basketball Federation) ang final line-up ng mga bansang sasabak kabilang na ang Pilipinas sa FIBA 3x3 U18 World Cup 2017 na idaraos simula ngayon sa Chengdu, China.

Kakatawanin ang bansa sa torneo ng mga UAAP standouts na sina Rhayyan Amsali ng National University, Florencio Serrano ng Adamson, Miguel Gomez de Liano ng University of the Philippines Integrated School at 6-foot-9 Fil-Nigerian na si Ariel John Edu.

gilas copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang ang Batang Gilas sa Pool A kasama ng Netherlands, Poland, Turkmenistan at Israel.

Magsisimula ang Pool action ngayong araw hanggang Hulyo 1 kung saan ang top two teams sa apat na grupo sa men’s at women’s categories ay direktang uusad sa quarterfinals bago ang knockout rounds patungo sa Finals na magaganap sa Hulyo 2.

Idedepensa ng Qatar ang men’s crown habang ang France naman ang magtatanggol ng korona sa women’s class.

Narito ang kabuuang talaan ng mga bansang kalahok.at kung saan sila kabilang na grupo:

Men’s Category

Pool A: Netherlands, Philippines, Poland, Turkmenistan & Israel

Pool B: Ukraine, New Zealand, Bahrain, Qatar & Georgia

Pool C: Hungary, Slovenia, China, Turkey & South Korea

Pool D: Romania, Indonesia, Belgium, Jordan & Uganda

Women’s Category

Pool A: Hungary, United States, Switzerland, Australia & Japan

Pool B: Netherlands, Andorra, Germany, Czech Republic & Sri Lanka

Pool C: Argentina, Russia, Italy, Venezuela & China

Pool D: Spain, France, Egypt, Kazakhstan & Singapore