Ni: Samuel Medenilla

Ikinalugod ng gobyerno at ng migrant advocates ang pagkilala ng US State Department sa pagsusumikap ng bansa laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ito ang ikalawang taon na pinagkalooban ng Amerika ang Pilipinas ng Tier 1 status sa mga ginagawang paraan ng ating bansa upang matuldukan ang human trafficking, base sa pinakabago nitong Trafficking in Persons (TIP) report.

“This is an honor for us since the international community recognizes that we are doing enough,” sinabi ni Labor undersecretary Dominador Say sa isang panayam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Say na maging ang ibang bansa, bukod sa Amerika, ay nagsimula na ring gayahin ang anti-human trafficking campaign ng Pilipinas.

Kumpiyansa si Say na mapapanatili ng Pilipinas ang standing nito sa TIP lalo na ngayon na ipinatupad na ang pamahalaan ang mas pinaigting na anti-human trafficking capabilities para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Kabilang na rito ang pag-iimbestiga at pagtanggal sa processing irregularities sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mapaunlad ang national online database sa human trafficking.