Ni ADOR SALUTA

ISA sa mga pinakasikat na talent ng That’s Entertainment noong dekada ‘80 at ‘90 si Romnick Sarmenta. Panahon ‘yun ni Romnick bilang most sought-after matinee idol. Ang love team nila ni Sheryl Cruz ang isa sa mga tinitilian ng fans.

Literal na lumagay sa tahimik si Romnick nang magpakasal sila ng co-That’s Entertainment mainstay na si Harlene Bautista noong 1999. Pagkatapos nilang ikasal, pansamantala nilang iniwan ang show business.

ROMNICK AT HARLENE copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pahayag ni Romnick sa isang panayam, conscious decision nila iyon ni Harlene dahil gusto nilang maging hands-on parents sa kanilang mga anak.

“Kami kasi ni Harlene, ayaw kasi namin ‘yung feeling na pagka-may kailangan ‘yung anak mo or may sakit or may masakit sa anak mo, tumatakbo sa yaya. Gusto namin sa amin tumatakbo, eh, so nag-decide kami,” katwiran ng aktor na ngayo’y kasali sa sikat na seryeng La Luna Sangre.

“Sabi namin, konting panahon lang kasi ang mga bata. I mean, lahat ng magulang siguro maiisip ‘to. Up to a certain time, lalayo at lalayo sila sa ’yo. Magtatayo sila ng sarili nilang pamilya. And they only have a number of years para ma-enjoy mo ‘yung company nila and hopefully, ma-build mo ‘yung character nila,” kuwento ng aktor.

“We can always have time for our own plans pero ‘yung mga bata na ipinagkatiwala sa ’tin ng Diyos, kailangan nandoon tayo while they’re growing up,” dahilan kaya never silang kumuha ng yaya.

Sa loob ng 18 taong pagsasama, lima na ang anak nilang mag-asawa. Nakita at nakilala ni Romnick si Harlene noong limang taong gulang lamang siya. Naging madalas ang kanilang pagkikita sa programang Talents Unlimited ng ABS-CBN.

Ikinuwento ng aktor kung paano niya niligawan si Harlene.

“Naghuhulog ako ng sulat sa bag. And then nalaman niyang ako ‘yun. ‘Tapos after a while, nagkahiwalay kami dahil sa trabaho so hindi kami nag-usap ng more than 12 years. After naming hindi mag-usap ng more than 12 years, parang mayroon kaming common friend na pinagkita kami ulit ‘tapos nagkakuwentuhan then nagkaalaman kung ano talaga ang totoong nangyari so nagkapatawaran. After a few months, pinakasalan ko,” pagbabalik-tanaw ni Romnick.