Ni: Bert De Guzman

Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Transportation na 34 na Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa aksidente sa lansangan.

Sinabi ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng komite, na maiiwasan ito kung naipatutupad ang mga simpleng pamantayan, tulad ng tamang pagsusuri sa mga driver, inspeksiyon ng mga sasakyan, at istriktong implementasyon ng road safety laws.

“Do we really value the lives of our people or are we treating them as mere death statistics?” tanong ni Sarmiento.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi niya na ang mga aksidente sa lansangan ay hindi na basta lamang “road accidents” kundi “road crashes”, na ayon sa Philippine National Police (PNP) ay bunsod ng human error, mechanical defects at faulty road structures.