MABIGAT na pagsubok ang naghihintay kay Pinoy Jimmy “The Silencer” Yabo sa kanyang pagsabak sa ONE Championship kontra sa matikas na Brazilian rival.

Magbabalik-aksiyon si Yabo mula sa mahabang pahinga at naghihintay sa kanya si Brazilian grappling ace Bruno Pucci sa undercard ng ONE: LIGHT OF A NATION sa Hunyo 30 sa Thuwunna Indoor Stadium sa Yangon, Myanmar.

Iginiit ni Yabo, mahigit 10 taon nang sumsabak sa mixed martial arts (MMA), na bentahe niya ang karanasan laban kay Pucci.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“My advantage coming into this fight is my experience. I have fought different caliber of opponents throughout my career. Don’t count me out yet because I am here to go back to the Philippines with the sweet win,” pahayag ni Yabo.

Tangan ang professional MMA record na 15-4, maipagmamalaki ni Yabo na natapos sa knockout ang huling lima niyang laban, kabilang ang panalo sa loob lamang ng 21 segundo kontra Pakistan’s Bashir Ahmad noong Pebrero 2016.

“He knows what’s on the line. I also know what’s at stake in this fight. As a veteran of this sport, I know I can spoil the party. If I can execute my game plan perfectly, I will get the job done,” aniya.

“I shouldn’t be overconfident in this fight. He may be a young fighter, but he presents a stiff test. I have to be careful,” sambit ni Yabo.