Ni: Lyka Manalo
PADRE GARCIA, Batangas - Posible umanong ang problema sa pamilya at sa kanyang kasintahan ang nagtulak sa isang 23-anyos na binata upang magpakamatay sa Padre Garcia, Batangas.
May tama ng bala sa ulo nang matagpuan si Rolando De Leon, na taga Barangay San Miguel, Padre Garcia.
Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:15 ng umaga nitong Lunes nang matagpuang nakahandusay sa kama si De Leon sa loob ng kubo nito.
Narekober umano ng pulisya ang .45 caliber pistol na posibleng ginamit ng binata.