Ni: Gilbert Espeña

PINAGHARIAN ni National Master Roberto Suelo Jr. ng Pilipinas ang katatapos na ACA Hari Raya Rapid Open Chess 2017 sa naitalang 6.5 puntos nitong Linggo sa 10th floor Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore.

Pumangalawa naman si Lincoln Yap, isang licensed International Arbiter by profession mula Cebu na may 6.0 puntos.

Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto sina Fide Master Andrean Susilodinata ng Indonesia at Richard Lean Boon Cheng ng Singapore na kapwa may 4.5 puntos.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tinalo ni Suelo si FM Susilodinata sa Round 2, tabla sa kababayan na si Yap sa Round 5 at namayani naman kay Boon Cheng sa final round.

Ang 1996 Philippine Junior champion na si Suelo rin ang kampeon sa Thomson Chess Fiesta-Cup Rapid event nitong Mayo sa Singapore.

Kasalukuyang isang chess teacher sa Singapore si Suelo na pinangunahan ang Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong woodpushers tungo sa national championships title sa national inter-collegiate noong mid 90's.