Laro sa Huwebes
(Ynares Sports Arena, Pasig)
3 n.h. -- Wangs Basketball vs Cignal HD
5 n.h. -- AMA Online Education vs CEU
NAISALBA ng Tanduay ang malamyang simula sa matikas na 53 puntos sa third period tungo sa 113-71 dominasyon kontra Gamboa Coffee Mix nitong Martes sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sumagitsit ang Rhum Masters sa 23 sunod na puntos sa third period para ilayo ang 37-34 bentahe sa halftime break tungo sa isa sa pinaka-lopsided na panalo sa liga.
Nanguna sa ratsada ng Tanduay sina Von Tambeling, Lester Alvarez, at Paul Varilla para sa ikalawang sunod na panalo at 3-1 karta.
“Si Von Tambeling talaga ang spark namin. Di ko siya pinalaro ng first half, pero ang ganda ng pinakita niya para sa amin. Nakita namin yung energy na nawawala noong first half,” sambit ni coach Lawrence Chongson.
Hataw si Tambeling sa naiskor na 13 puntos lahat sa third priod, habang nanguna sa Rhum Masters si Alvarez na may 17 puntos, 10 rebound at 11 assist, at tumipa si Varilla ng 15 puntos.
Iskor:
TANDUAY (113) - Alvarez 17, Palma 17, Santos 15, Varilla 15, Sanga 13, Tambeling 13, Sollano 6, Taganas 4, Terso 4, Acidre 3, Gaco 2, Vigil 2, Villamor 2, Eguilos 0.
GAMBOA COFFEE MIX (71) - Acibar 16, Parala 12, Avenido 11, Acuña 8, Montuano 7, Padilla 6, Jumao-as 5, Riva 4, Vidal 2, Arellano 0, Dadjilul 0, David 0, Knuttel 0.
Quarters: 21-20, 34-37, 87-49, 113-71.