Ni: Brian Yalung

MARAMING dapat ayusin sa Brooklyn Nets para makabawi at maging contender sa pagbubukas ng bagong season sa NBA.

Bilang panimula, sumang-ayon ang management sa trade na inaasahang aayuda sa kasalukuyang grupo na pinangungunahan ni Taiwanese star Jeremy Lin.

LIN copy copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kabila ng pagkawala ni Brook Lopez, na ipinadala ng Nets sa Los Angeles Lakers, maluwag ang pagtanggap sa kapalit nitong si D'Angelo Russell.

Kapwa point guard sina Lin at Russell. Ngunit, huwag mag-alala, may kakayahan ang dalawa na maglaro nang sabay na hindi nagpapatalbugan.

Umaasa ang Nets na matutularan nila ang Golden State Warriors na maayos ang samahan ng mga shooting guard na sina Syeph Curry at Klay Thompson.

Para kay Russell, ang paglipat sa Nets ang tamang pagkakataon para patunayan sa sarili na isa siyang tunay na superstar at lider ng isang kompetitibong koponan.

Hindi naman nag-aalala si Lin sa posibilidad na mabawasan ang playing time a pagdating ni Russel, dahil sa katotohanan na puwede silang maglaro ng sabay.

Inaasahang magdadagdag pa ng bagong player ang Nets. At maraming puwedeng mapagpilian sa free agency.