Ni Ali G. Macabalang

MARAWI CITY – Sa gitna ng mga ulat tungkol sa kumakaunti nilang puwersa at pagkaubos ng mga bala, hinihiling ng Maute Group ang ligtas nilang pag-alis sa Marawi City kasabay ng pag-urong sa labanan ng puwersa ng gobyerno bilang “kondisyon” umano sa pagpapalaya sa nasa 100 bihag ng grupo, kabilang na si Fr. Teresito “Chito” Suganob.

Ito ay ayon sa mapagkakatiwalaang source ng may akda.

FR copy copy

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“They (mga pinuno ng Maute) want a (government) guarantee for their safe retreat to the jungle simultaneously with a pullout of transient security forces before Fr. Chito and other captives will be freed,” sabi ng impormanteng Maranao.

Tinukoy ang salaysay ng mga bihag na una nang nakatakas sa mga terorista, sinabi ng militar nitong Lunes na nasa 150 pang miyembro ng Maute ang nasa Marawi kasama ang may 100 bihag, habang nakita namang buhay ang pari.

Ayon sa impormante na tumangging pangalanan, may mga kaibigan siyang miyembro ng Maute na nananatili pa sa Marawi, at isa sa mga ito ang umamin sa kanya na nais na ng mga terorista na lisanin ang siyudad.

Aniya, apat na bagay ang tinukoy ng terorista sa pinaplano ng mga itong pagsuko sa bakbakan: Ang papaubos nang mga baril at bala, ang pamamagitan ng mga ulama (mga pinuno sa Islam), ang biglaang pag-abandona ng leader nilang si Isnilon Hapilon sa Maute, at ang pagkasawi ng isa at nakatatanda sa magkakapatid na Maute nitong Hunyo 9.

“The slain Maute (na kinilala ng ibang source sa pangalang Mohammad Khayyam) was not a Maute member but he took up arm and fought the Marine contingents because he was profusely desperate about the earlier arrest of their mother and father. He was blaming Omar and Abdullah before committing the suicidal fight,” anang impormante.

Batay sa online report ng Mindanews.com nitong Lunes, sinabing nagbigay ng “kondisyon” ang Maute sa ligtas na pagpapalaya kay Suganob.

“The emissary said the condition set by Maute for the release of Fr. Chito as well as the results of the dialogue with the religious leaders have been relayed to Assistant Secretary Dickson Hermoso of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP),” saad sa report ng Mindanews.com.