CASIMERO copy copy

NI: Gilbert Espeña

PINATAOB ni two-division world boxing champion John Riel Casimero ang beteranong si Jecker Buhawe via 10-round unanimous decision kamakailan sa Iligan City, Lanao del Norte sa kanyang unang laban sa super flyweight division.

Nakatakda sanang makaharap ni Casimero si three-time world title challenger Richie Mepranum ngunit napinsala ito kaya mabilis humanap ng substitute boxer ang promoter niya na si Sammy Gello-ani at si Buhawe ang tumanggap ng alok nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Mepranum was injured in training a week before the scheduled fight date,” sabi ni Gello-ani sa Philboxing.com. “We had to rush in looking for an opponent and Buhawe accepted the offer. We did not immediately announce it because we were waiting for the approval of the Games and Amusement Board (GAB).”

“Casimero landed some good shots in the early rounds and he knocked down Jecker Buhawe in the second round,” paliwanag ni Gello-ani hinggil sa laban. “Buhawe managed to finish the round and survived in the succeeding rounds by clinching Casimero more often. He finished the fight handing Casimero the UD result.”

Napaganda ni Casimero ang kanyang rekord sa 24-3-0 kaya inaasahang aangat sa world ranking.