Ni: Marivic Awitan

NAKUHA ni Philippine Navy Standard Insurance rider Jan Paul Morales hindi lamang ang atensiyon kundi maging ang respeto ng mga US pro cyclists matapos siyang magwagi sa idinaos na USA Cycling's Pro 1-2-3 Ontario Season End Criterium.

Solong tinawid ng sprint specialist na si Morales ang finish line ng 70-minutong karera sa loob ng dalawang kilometrong technical course na may anim na ikot.

Batay sa naging salaysay ng kanilang coach na si Reinhard Gorantes sa panayam dito ng DZSR Sports Radio, maaga pa lamang ay nagpakitang-gilas na si Morales na sumama ito sa 6- man breakaway group na kumalas at nagawang ma -overlapped ang peloton sa ika-20 minuto ng karera.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Maliban sa nakopong premyong dalawang libong dolyar, ikinatuwa ni Morales ang nakamit na paghanga mula sa mga siklistang Amerikano.

Target ng PNSI na makalahok pa sa ilang mga US races sa tulong ng GQ6 at ng mga Filipino community doon para makatipon ng UCI ( Union Cycliste Internationale ) points para makapag qualify sa Olympics at World Championships.

Bukod dito, hangad din ng PNSI na makapagparehistro bilang isang continental squad.