Ni: PNA

BUONG pagmamalaking inihayag ng alkalde ng Dagupan City sa Pangasinan na si Belen Fernandez na ipatutupad na ng siyudad ang proyektong Waste to Energy na lilikha ng diesel fuel at biogas mula sa basura na magiging susi upang tagurian ang lungsod bilang isa sa pinakamalilinis sa Region 1.

Sa isang press conference nitong Lunes, inihayag ni Fernandez na nailathala na sa mga lokal na pahayagan ang mga komite na napiling mamahala sa facility-joint venture na ito, na isa ring paunawa sa mga pribadong kumpanya na interesado sa pagtataguyod sa naturang proyekto.

“Unless we put up the waste to energy facility, we cannot hope to compete for the cleanest local government unit in the region,” saad ni Mayor Fernandez.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sinabi rin ni Fernandez na pumunta siya sa pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation sa Cebu, ng United Nations sa United States, at sa isang pandaigdigang pulong sa Ocean Conservancy sa Chile noong nakaraang taon upang masiguro na maipatutupad sa Dagupan City ang naturang proyekto.

Itatayo ang proyekto sa Barangay Binloc.

Dahil sigurado na ang gagawing proyekto, nangangalap ngayon ang lungsod ng mga plastic mula sa planta sa Bonuan, na kalaunan ay dadalhin sa pasilidad upang gawing fuel at biogas.

Dagdag pa niya, kailangang makalikom ang pamahalaang lungsod ng sampung tonelada ng basura araw-araw. Bibili rin ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City ng sampung dump truck na gagamitin sa pangongokleta ng mga basura mula sa mga bahay-bahay at sa mga pampublikong palengke.