Ni: Beth Camia

Nagpakalat na ng mga tracker team ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tugisin ang 93 bilanggong pinakawalan ng Maute Group nang sinalakay nito ang Marawi City, Lanao del Sur noong Mayo 23.

Ayon sa tagapagsalita ng BJMP na si Chief Insp. Xavier Solda, partikular na pinagtutuunan nila ng pansin sa kanilang paghahanap ay ang Mindanao.

Nagtalaga na rin ng mga tracker team ang BJMP sa Luzon at Visayas, ayon kay Solda.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Sinabi ni Solda na sa ngayon ay “accounted for” na ang 14 sa 107 presong pinalaya ng mga terorista.

Nakipag-ugnayan na rin ang BJMP sa mga kamag-anak ng mga pugante at hinimok na hikayatin ang mga itong sumuko.

Kabilang ang Marawi City Jail at Malabang District Jail sa inatake ng Maute noong Mayo 23.

Dinisarmahan ng grupo ang 12 jail officer bago pinakawalan ang mga bilanggo.