Ni JIMI ESCALA

KAIBIGAN ng pamangkin namin si Kim Domingo at halos lahat ng lakad ng sexy actress ay kasama niya ang pamangkin namin. 

Kaya nalaman naming magkakaroon ng sariling libro si Kim na Stare of Undress. Sa naturang libro raw mas makikilala ng publiko ang tinataguriang bagong crush ng bayan.

Hindi lang daw ang taglay na kaseksihan ni Kim ang malalaman ng lahat kundi pati na rin ang buhay-buhay ng aktres bago ito pumalaot sa showbiz.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

“Mas makilala ako nila at pati na rin kung saan ako nagsisimula. P’wede ko ding masabi na kahit papaano, eh, makapagbigay ako ng inspirasyon sa mga nakabasa ng libro ko kasi doon nila makikita ‘yung mga pinagdaanan ko before ako mapasok dito sa showbiz,” sey ni Kim. 

Tiniyak nila sa amin na sa katapusan ng buwang kasalukuyan ay available na ang naturang libro. Pero ngayon pa lang daw ay marami na ang nagtatanong kung kailan magiging available ang kopya, lalo na ang kalalakihan.

Sey Kim, hintayin na lang nila at worth it daw ang paghihihintay dahil magaganda ang pictures at pati na ang mababasa lahat sa State of Undress. 

Napapanood si Kim sa D Originals at Bubble Gang. Sey pa ng sexy star, malaki ang pasasalamat niya sa dalawang show dahil patuloy ang exposure na nakukuha niya. 

Dahil din daw sa GMA shows, hindi nalalaglag si Kim sa partial results ng FHM Sexiest List ngayong taon. Sa huling resulta, number two ang Kim.

“Well, masaya naman tayo pero kinakabahan din kasi sabi ko nga, kahit ano pa ang kalalabasan ng resulta, eh, happy naman ako doon,” lahad pa ng sexy star.