Ni: Associated Press

SA nakalipas na ilang dekada, mga libro ang naging pundasyon ng pagtuturo sa mga paaralan. Ang mga librong ito ang isa sa mga pangunahing kailangan sa pag-aaral, ibinibigay sa mga mag-aaral na nakagawian namang ilagay sa kani-kanilang bag araw-araw, pagpasok sa paaralan at pauwi sa kani-kanilang tahanan.

Ang karanasan ng mga mag-aaral ay labis na iba sa kasalukuyang panahon.

Nakita ng publiko kung gaano naging kabilis ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo at kung paano naging digital ang curriculum ng mga paaralan, na malayo sa nakagawiang paggamit ng pisikal na libro.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Ito na nga kaya ang katapusan ng tradisyunal na paggamit ng libro? Makabubuti ba ito sa mga mag-aaral at mga guro?

Sa pagtaas ng antas ng paggamit ng internet at paglaganap ng online content, natagpuan ng mga guro ang mga bagong mapagkukunan ng impormasyon upang suportahan ang pag-aaral ng mag-aaral.

Sinasabi sa mga huling pag-aaral na ang ratio ng mag-aaral sa computer sa karamihan sa mga paaralan sa Amerika ay umabot na 5:1 (limang mag-aaral bawat computer), na halos lahat ng guro ay may access sa kahit isang computer sa kanilang silid-aralan. Ang mga one-to-one na programa sa laptop computer, na nagbibigay sa bawat mag-aaral ng isang aparato ng computing, ay ipinatutupad sa maraming estado.

Natukoy sa pag-aaral kamakailan na may tinatayang 5:1 (limang mag-aaral sa bawat isang computer) ang student-computer ratio sa halos lahat ng paaralan sa Amerika, na mayroong katapat na isang guro sa bawat computer.

Upang suportahan ang mga hakbanging ito, ang mga paaralan ay binigyan ng access sa sagana at libreng content sa Internet na idinisenyo para sa curriculum ng K-12. Karamihan sa mga kumpanyang naglalathala ng mga aklat ay naglunsad na rin ng mga digital platform. Sa katunayan, ang ilan ay nagbago ng kanilang mga pangunahing pagkakakilanlan mula sa tradisyunal na mga publisher ng aklat tungo sa mga learning science company o mga digital education company.

Tunay ngang unti-unti nang lumalabo ang kahulugan ng libro. Ang mga leksiyon ngayon sa paaralan ay maaari nang ituro sa mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang paraan. Malayo sa nakagisnang pagbuklat sa libro at paglipat sa mga pahina nito.

Ngunit hindi ito puro mabuting balita lamang. Nahaharap din ang mga paaralan sa mga pagsubok dahil sa mga impormasyong nakukuha sa Internet.

Kailangan pa ba ang mga tradisyunal na libro? Ang sagot, oo. Ngunit may pagbabago na rin sa komposisyon ng mga ito. Naging mas digitized, mas bukas, mas naging abot-kaya, mas dynamic at interactive, at mas madalas na ma-update.

Samantala, binago ng teknolohiya at ng Internet ang paraan ng pagkatuto ng mga estudyante. Mula sa mga pisikal na libro hanggang sa digital na pagkatuto, nabigyan ang mga mag-aaral (at mga guro) ng access na mas malawak sa naibibigay na impormasyon ng tradisyunal na libro. Sa pamamagitan ng mga ito, nagiging mas nakaeengganyo at kapana-panabik ang pag-aaral.