Ni: Genalyn Kabiling at Mary Ann Santiago

Hindi magtatagal ay maaari nang bumiyahe ang publiko sa pagitan ng Maynila at ng Clark sa Pampanga nang hindi aabot sa isang oras sa pinaplanong railway project ng pamahalaan.

Kahapon, pinangunahan ng mga transport official ang pagmamarka sa unang limang istasyon ng Manila-Clark railway project na layuning mapabilis ang biyahe, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Ang lima sa 17 railway station ay matatagpuan sa Marilao at Meycauayan sa Bulacan, Valenzuela, Caloocan, at Tutuban sa Maynila.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Bukod dito, magtatayo rin ng mga istasyon sa Solis (Tondo), Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, Clark International Airport, at ang iminumungkahing New Clark City sa Pampanga.

“While the country is on a holiday, the government – through the Department of Transportation (DOTr) – is still work-work-work in its Build-Build-Build infrastructure program,” ani Abella.

Sinabi ni Abella na ang pagtatayo ng railway line ay magsisimula sa huling bahagi ng 2017 at inaasahang matatapos sa huling bahagi ng 2021.

“The two-hour travel time from Manila to Clark will be cut down to just 55 minutes benefitting 350,000 passengers daily on its first year of operations,” pahayag ni Abella.

“This 106-km railway project that will run from Tutuban, Manila to Clark, Pampanga has 17 stations,” dagdag niya.

Ang P225-billion railway project ay naiulat na popondohan ng official development assistance mula sa Japan.