Ni: Mary Ann Santiago

Magandang balita para sa commuters!

Simula sa Hulyo 8, magdaragdag na rin ang pamunuan ng Light Rail Transit Line (LRT)-1 ng biyahe at pahahabain ang oras ng serbisyo nito kahit weekends at holidays.

Base sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, mula sa 5:00 ng madaling araw, gagawin nang 4:30 ng madaling araw o mas maaga ng kalahating oras, ang unang biyahe ng mga tren tuwing weekends at holidays.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Mula naman sa dating 423 biyahe tuwing Sabado at holiday, gagawin na itong 472, habang ang biyahe naman tuwing Linggo ay gagawing 353 mula sa kasalukuyang 323.

Ayon sa LRMC, nagdesisyon silang ipatupad ang mas pinahabang serbisyo at karagdagang biyahe dahil sa positibong feedback mula sa mga pasahero.

Kumpiyansa ang LRMC na makatutulong ang bago nilang schedule upang mabawasan ang mga pasaherong naghihintay nang matagal para makasakay ng tren.