Ni BETHEENA KAE UNITE

Tulad ng oblation na sumisimbolo sa paninindigan at pag-aalay ng sarili para sa bayan, hinikayat ni Arman Ghodsinia ang mga kapwa nagtapos na manindigan para sa sambayanang Pilipino at magkaroon ng malasakit sa kapwa.

Arman Ghodsinia
Arman Ghodsinia
Hindi itinago ni Ghodsinia, tubong Marawi City, ang kanyang kalungkutan sa patuloy na krisis sa kanyang bayan nang magbigay siya ng valedictory message sa 4,615 graduates sa 106th University of the Philippines (UP) Commencement Exercises kahapon.

“Today is filled with the joy we experience in the safe confines of our graduation ceremony, we also recognize that today also marks another day of suffering, fear and injustice felt by many of our fellow people throughout the country,” aniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“As I give this speech now, we witness an ongoing crisis back home. Filipinos, both Muslims and Christians, are forced to flee from their homes. They fast not in their homes but in evacuation centers,” dagdag niya na ikinatahimik ng lahat.

Si Ghodsinia ang unang Maranao na nagtapos na summa cum laude sa UP. Nakuha niya ang 1.173 general weighted average para sa kursong Bachelor of Science Molecular Biology and Biotechnology.

Hinimok niya ang kanyang mga kapwa “Iskolar ng Bayan” na maging compassionate sa minority groups.

“Pagmamalasakit. Napakagandang salita ano? Hindi ka nag-iisa dahil may nagmamalasakit sa’yo. Hindi ka napag-iiwanan dahil may nag-aalala para sa’yo,” ani Ghodsinia.

Nagpahayag din siya ng kalungkutan na ang kanyang bayan hanggang ngayon ay kabilang sa pinakamaralitang lalawigan sa bansa at napakababa pa rin kalidad ng edukasyon at healthcare doon.

Sinabi niya na ang kanyang ina ay namatayan ng kapatid na lalaki na hindi naipagamot sa sakit dahil salat sila sa salapi.

“How painful this can be, right? How unjust and unacceptable it is to live in a society that allows this to happen where people are left behind and forgotten,” ani Ghodsinia.

“But here I am standing in front of you today as proof that members of the minorities like us Maranaws can also do well, excel, and contribute effectively to societal growth of given the same opportunities and rights. I am speaking to you as proof that anyone, regardless of religion, socioeconomic status or ethnic ties, can excel,” dagdag niya.

Tinapos niya ang kanyang talumpati sa paghihikayat sa mga kapwa nagtapos na huwag kalimutang ibalik ang kabutihan sa mamamayan ng Pilipinas, na tumulong sa kanila upang makapag-aral.

ACHIEVERS

Bukod sa 36 summa cum laude ngayong taon, kabilang sa achievers ng batch si Katherine Bersola, na unang summa cum laude mula sa College of Human Kinetics. Sa 1.180 GWA, nagtapos si Bersola ng degree sa Bachelor of Sports Science. Siya ay captain din ng Lady Maroons Volleyball team na lumalaban sa UAAP.

Si Williard Joshua Jose mula sa College of Engineering ang nanguna sa top honors sa GWA na 1.058.

Nagtapos din si Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj ng master’s degree sa Community Development. “Mas mahirap kunin ang Sablay kaysa sa sash ng Miss Universe” ani Raj bago pumasok sa venue.

Si Myrtle Sarrosa, dating “Pinoy Big Brother” housemate ay nagtapos na cum laude sa kursong Broadcast Communications.