Ni: Leo P. Diaz

PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat - Isang sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang tinaga ng nakatatanda niyang kapatid na umano’y kinulit niya habang nasa isang lamayan sila sa Purok Pag-asa sa Barangay Katiku, President Quirino, Sultan Kudarat, kahapon ng madaling araw.

Labis ang pagsisisi ni Herminigildo “Jun” Gaspar, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lugar, sa nagawa niya sa kapatid na kinilala sa alyas na “Praning”, binata, na inoobserbahan ngayon sa ospital dahil sa mga tinamong taga sa likod at ulo.

Kusa namang sumuko sa awtoridad si Gaspar, na pansamantalang pinakawalan sa kahilingan ng inang si Leticia.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Ayon kay Leticia, talagang makulit ang biktima kapag lasing, at pilit umanong humihingi ng pera sa suspek para magsugal kaya napikon ang huli at nataga ang kapatid.