Ni: Fer Taboy

Isang 61-anyos na lalaki ang pinatay umano ng sarili niyang anak, katulong ang isa pang lalaki, sa Dinapigue, Isabela, nabatid ng pulisya kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng Dinapigue Municipal Police, kinilala ang biktimang si Maximino Solmerin, residente ng Purok Uno, Barangay Digumased, Dinapigue.

Ayon sa pulisya, kinasuhan ng parricide ang anak ng biktima na si Ranier Solmerin, habang kasong pagpatay naman sa kasama ni Ranierna si Jay Ancheta, tubong Dilasag, Aurora.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Nabatid ng pulisya na pinagtulungan umanong saksakin ang biktima makaraang pasukin sa bahay nito.

Itinuro ang mga suspek makaraang makita umano ng isang barangay tanod ang ginawang pagpatay sa matanda.