SACRAMENTO, California — Para kay Justin Gatlin, tunay na kalabaw lang ang tumatanda.

At kung may magaganap na pagbabago sa US athletics, tiniyak niyang hindi sa kanyang panahon.

Hiniya ng 35-anyos na si Gatlin ang mga batang karibal, kabilan ang sumisikat na si Christian Coleman sa 100 meters finals ng US track and field championships nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa edad na 21 at reigning NCAA champion, si Coleman ang ipinapalagay na future ng US sprint.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ngunit, hindi pa sa ngayon.

Naitala ni Gatlin ang bilis na 9.95 segund para gapiin si Coleman ng 0.03 segundo. Kapwa produkto ang dalawa ng University of Tennessee at parehong talent ng Nike.

"These guys are just starting their career off," sambit ni Gatlin. "I have to make sure I stay hungry.'"

Mapapalaban ang dalawang US star kay Jamaican superstar Usain Bolt sa World Championships sa London sa Agosto.

"The sweet thing about it is there are two hungry guys who have no nervousness about (Bolt), and are hungry to make a name for themselves," ayon kay Gatlin.

Sa women's final, nagwagi si Olympic silver medalist Tori Bowie sa tyempong 10.94 segundo kontra kina Deajah Stevens, Ariana Washington at veteran Allyson Felix.