ni Bella Gamotea

Price rollback uli sa gasolina.

Isa pang bugso ng oil price rollback ang napipintong ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa industriya ng langis, posibleng tapyasan ng 40 hanggang 45 sentimos ang kada litro ng gasolina habang 25 hanggang 30 sentimos naman sa diesel.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Romualdez sa Ombudsman: 'Follow the rule of law and due process!'

Sakaling ipatupad, ito ang ikaapat na beses na oil price rollback ngayong Hunyo.