BUENOS AIRES (AFP) – Ipinahayag ni Argentine ex-president Carlos Menem nitong Sabado na muli siyang tatakbo sa parliament sa edad na 86, isang hakbang na makatutulong sa kanyang maiwasan ang pagsilbi sa kulungan sa mga pagkakasalang kriminal.

Nagsilbing pangulo mula 1989 hanggang 1999 at senador simula 2005, si Menem ay nahatulang makulong sa kasong arms trafficking at corruption, ngunit nakaiwas sa kulungan dahil sa kanyang parliamentary immunity.

Bukod kay Menem tatakbo din bilang senador si Cristina Kirchner, 64, ang leftist ex-president na sa loob ng maraming taon ay namuno sa Argentina kasama ang namayapa nitong asawa na si ex-president Nestor Kirchner. Nahaharap naman siya sa kasong katiwalian.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3