Ni: Reggee Bonoan

MUKHANG hindi na magkakasundo ang dalawang aktres dahil nadulas o sinadya ni Aktres A na banggitin ang taong tumutulong ngayon kay Aktres B gayong alam na alam naman ng una na inililihim ito nang husto ng huli.

Bagamat may ilang taong malalapit kay Aktres B na nakakaalam kung ano ang papel ng taong iyon sa buhay ng kanilang pamilya, hindi ito hayag na pinag-uusapan dahil pamilyadong tao rin ang taong binabanggit.

Ang kaso, nasagad nang husto si Aktres A kaya nasabi niya kung sino ang taong ito na kinumpleto pa ang pangalan, kaya naloka ang netizens na nakabasa. Kaya ang dating haka-haka lang nila ay nabigyan na ng kasagutan -- na totoo pala.

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

Hindi pa nakakapagbigay ng reaksiyon si Aktres B sa pambubuking ni Aktres A, kaya hinihintay ng followers nila kung ano ang gagawin ng una.

Anyway, sana ay magkaayos na sina Aktres A at Aktres B dahil wala namang patutunguhan ang pag-aaway nila. Higit sa lahat, marami ring alam na baho ang huli sa una, kaya baka raw nananahimik lang pero may pasasabugin din.