Ni: JOJO RIÑOZA

PINASIGLA ng paligsahan ng makukulay at ‘makasaysayang’ mga karosa at masisiglang sayaw ng kabataan ang selebrasyon ng mga Dagupeño sa ika-70 taong anibersaryo ng siyudad mula nang ideklara itong Chartered City sa Pangasinan.

DAGUPAN@70

Ang ‘Parada na Dekada’ na dumaan sa mga pangunahing lansangan ng siyudad ang rurok ng pagdiriwang na tinampukan ng pitong karosa na nagtatanghal o sumasalamin sa pitong dekadang pinagdaanan ng siyudad simula Hunyo 20, 1947 hanggang sa kasalukuyan.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Makikita sa mga karosa ang mga lumang larawan ng mga mamamayan, opisyal ng gobyerno, mga istruktura at mahahalagang kabanata ng siyudad na pinagmulan ng modernong Dagupan.

Itinanghal na pinakamaganda at kampeon ang karosang gawa ng mga taga-Dagupan City National High School na nagtatampok ng mga alaala simula 2007 hanggang 2017.

Nag-uwi ito ng premyong umabot sa 30,000 pesos kasama na ang minor awards ding napanalunan.

Hindi rin nagpatalo ang mga estudyanteng mananayaw na nagpasiklab at umindayog sa mga pinasikat na tugtugin mula sa iba’t ibang panahon.

May mga sumayaw sa tugtog na pamosong “Boogie”, mga awitin ng Beatles hanggang sa disco at K-pop music.

Nag-uwi naman ng premyong 10,000 piso ang nagkampeon mula sa dekada “2018 and beyond”.

Pinarangalan din ang ilang piling mamamayan ng Dagupan sa “Pinablin Dagupenyo” (outstanding Dagupeño) at ang mga senior citizen na may edad na 70 at ipinanganak mismo sa Dagupan.

[gallery ids="251071,251070,251069,251068,251063,251064,251065,251066,251067,251062,251061"]