ni Ellalyn De Vera-Ruiz
Ang Pilipinas ang punong-abala ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Congress na magbibigay ng forum para sa pagpapalitan ng mga impormayon at karanasan sa sustainable urbanization, simula Hunyo 26 hanggang 30.
Itinuturing ng mundo ang Southeast Asia na high-growth area sa 4.8 porsiyentong paglago ng GDP bawat taon, at kahanga-hanga na nababalanse ng ASEAN ang urbanisasyon at industriyalisasyon kasabay ng pangangalaga sa kapaligiran.
Ang makatulong sa pagtatamo ng balanseng ito ang pangunahing layunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) na magdadaos ng “R & D Congress on Sustainable Urbanization in the Course of ASEAN Economic Integration.”
Lalahok sa Congress ang mga kilalang research at development practitioners mula sa iba’t ibang academic at research institutions sa rehiyon ng ASEAN na nagtatrabaho sa urban ecosystem, environment at natural resources management.
Sa kasalukuyan, ang ASEAN ay may urban “consuming class” na tinatayang 8 milyong kabahayan at inaasahang dodoble ang laki nito pagsapit ng 2030.