GENEVA (AFP) – Tinatayang mahigit 300,000 katao pa ang mahahawaan sa cholera outbreak sa Yemen pagsapit ng Setyembre, mula sa kasalukuyang 193,000 kaso, sinabi ng United Nations nitong Biyernes.

“Probably at the end of August we will reach 300,000” na kaso, sinabi ni UN children’s agency (UNICEF) spokeswoman Meritxell Relano sa mamamahayag sa isang conference call sa Geneva, Switzerland.

Simula nang ideklara ang outbreak noong Abril, tinatayang 1,265 katao na ang namatay, aniya.

“The number of cases continue to increase,” ani Relano, idinagdag na apektado ang lahat ng 21 governorate sa Yemen, ang pinamaralitang bansang Arab.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture