BRISBANE, Australia (AP) — Sa pagtapak ng mga paa sa teritoryo ng karibal, isang ligtas na lugar ang kaagad na tinungo ni Manny Pacquiao – ang simbahan.

Bilang isang debotong Christian, kaagad na dumalo si Pacquiao kasama ang maybahay na si Jinky sa isang misa sa Brisbane church ilang oras matapos dumating mula sa mahabang biyahe sa General Santos City Sabado ng gabi.

"This (religion) is my main priority, more than anything... Sunday is a worship day," pahayag ni Pacquiao.

Kasama ang Team Pacquiao na binubuo ng 160 katao, lumapag ang chartered A330 AirAsia plane sa Brisbane airport para sa huling aspeto ng paghahanda ni Pacman sa pagdepensa ng kanyang WBO welterweight title kontra sa pamosong Australian contender at Olympian Jeff Horn na nakatakda sa Hulyo 1 (Hulyo 2 sa Manila) sa 40,000 sitting-capacity Suncorp Stadium.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Training is good, we did a lot of hard work, I am very excited for the fans to give a good show to show my best and in boxing ring," pahayag ni Pacquiao sa panayam ng Australian Broadcasting Corp. radio.

"Some reports coming out of the Philippines that I haven't been training hard are not true . It just happens that when some of our friends came around to our training camp, we weren't doing much and people assumed I wasn't training hard."

Iginiit ni Freddie Roach, trainor ni Pacquiao sa mahabang panahon, na walang plano ang Pinoy world champion na bitawan ang titulo.

"He has the best work ethic in the world. He trains hard every day and we do 48 boxing rounds every day non-stop just work, work, work," sambit ni Roach. "We are here to win the fight, we don't take anyone lightly."

Inaasahang magsisimula ang light sparring session ni Pacman sa Lunes.

Tangan ni Pacquiao, nahalal na Senador sa Pilipinas, ang ring record na 59-6-2, tampok ang 38 knockouts.

Ito ang unang pagdepensa ni Pacquiao sa titulong nakuha niya via unanimous decision kontra Jessie Vargas noong Nobyembre.

Ibibida naman ng 29-anyos na si Horn, kinatawan ang Australia sa 2012 London Olympics, ang 16-0-1 karta, kabilang ang 11 via knockout.

Hindi man kasinlaki ng laban ni Pacman kay Floyd Mayweather, jr., inaasahang dadagsain ang Suncorp Stadium sa Brisbane, kabilang ang mga kababayan na OFW para magbigay ng suporta kay Pacquaio.

"I want to show my best in the boxing ring in Brisbane for my fans," sambit ni Pacquiao.

"It's going to be a war, I'm expecting him to come inside close to me fighting toe-to-toe and I'm ready for that."

Handa na rin ang mas batang karibal ni Pacquiao sa duwelo na tinaguriang ‘Battle in Brisbane’. Aniya, hinog na siya para sa pedestal ng tagumpay.

"I think (Pacquiao) nearly got 10 years on me," pahayag ni Horn sa Sports Sunday. "I guess that's going to be an advantage. (So) he's very best, he's not at any more."