Ni JIMI ESCALA

MARUNONG magpahalaga si Cong. Vilma Santos sa mga taong nagpapahalaga rin sa kanya, lalo na sa kanyang Vilmanians.

Kaya kahit naroroon sa America ang buong pamilya (recess kasi ang Congress) ay inaalam ni Ate Vi ang kalagayan ng dalawang fan na kasalukuyang nakaratay sa hospital.

Cong

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Si Ate Linda Bandojo na taga-Biñan na child star pa lang si Ate Vi ay tagahanga na ng aktres ay inatake sa puso at naka-confine sa Sta. Rosa Medical Center at ang isa pa ay silent fan na ipinarating ng kapatid na si Faye Galang kay Ate Vi ang kalagayan sa pamamagitan ng Facebook.

“Ms. Vilma Santos... you are the idol of my down syndrome sister... she’s bedridden until now. She’s always asking for your pictures.. I’m hoping somebody will find a way so that she can see you in person... then you will make her happy,” mensahe sa Facebook na nakarating na kay Ate Vi.

Agad tinawagan ni Ate Vi ang presidente ng kanyang VSSI na si Mr. Jojo Lim at nagpasabi ang premyadong aktres/public servany na bibisitahin agad niya ang dalawang tagahangang may sakit pagdating niya.

Ganyan kamahal ni Ate Vi ang mga tagahanga niya, hindi lang tulong financial ang iniaabot niya kundi pati moral support sa pamilya.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda ni Ate Vi sa foundation ng Vilmanians. Nang huli naming makausap ang Star for All Seasons ay nalaman naming malaking halaga pa rin ang iniabot niya para sa VSSI.

“May mga Vilmanians na kasing edad ko na, na medyo nagkakasakit at biglaan, at least, kailangan lang na meron silang sariling pondo. Kasama ko silang nag-mature.

“Hindi p’wedeng manatili sa kanila ang ‘fan mentality’, basta meron akong magagawa as a public servant, dapat magkasama kami in serving sa lahat,” ani Ate Vi.

Labis-labis din ang niya sa mga tagahangang nasa abroad at nakaririwasa sa buhay na nagpapadala ng mga libro, computers, at iba pa na ipinamigay din ng congresswoman ng Lipa sa mahihirap na eskuwelahan.

“Nasa public service tayo, at kung makakatulong ko silang magsilbi then why not. But the thing is hindi pa rin nila ako pinababayaan sa showbiz,” sey ni Ate Vi.