Ni Lito Mañago

KASAMA at kabalikat ni Mother Ricky Reyes, kilalang philanthropist at entrepreneur, ang buong cabinet spouses ng administrasyong ni Presidente Rodrigo Duterte.

Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng grupo ni Mother Ricky ang pre-blood typing program sa lahat ng barangay sa bansa.

Ricky, Congw. Rida at Mayor Arthur Robes copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Kasi hindi naman lahat ng Filipinos, alam ang blood type nila, ‘di ba? So, heto, lahat ng mayor, uutusan ang lahat ng barangay chairman, susuyurin bawat barangay. Kapag na-blood type na ‘yung mga tao sa barangay hall, may mga nakasulat... kung sino ‘yung mga blood type A, AB, O, mga ganyan.”

“In short, sa barangay, magkakila-kilala na. Halimbawa, kapitbahay kita ‘tapos pare-pareho tayo ng blood type, nagkatulungan na tayo. We will take care of each other because lifeline kita, lifeline mo ako.

“Bukas makalawa anything happens to you, ako ‘yung puwedeng tumulong dahil magkaka-blood type tayo,” simulang kuwento ni Mother Ricky nang makaharap namin sa opening at blessing ng Ricky Reyes Learning Institute7 sa Block 9, L2 AC Diamond Crest Village, Bgy. San Manuel, San Jose del Monte City, Bulacan na pag-aari ng mag-asawang Zaldy at Tessa Aquino.

Bukod sa pre-blood typing program, on-going na rin ang kanilang programang 4RHome (Reform, Recharge, Reintegrate, Reeducate para sa mga biktima ng droga.

“Matagal ko nang programa ito. I am just looking for the right people to work with,” lahad ng beauty expert.

“Ang 4RHome program, ibig sabihin, lahat ng mga entangled with the drugs of war, meron na silang pupuntahan, du’n sila ititira,” lahad ni Mother.

Aktibo rin si Mo ther Ricky sa pagtulong sa mga biktima ng Marawi war sa Mindanao.

Sa tulong na rin ng bagong bukas na RRLI, at Mayor Arthur Robes at Congw. Rida Robes, sisikapin din nilang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng San Jose del Monte City sa Bulacan.

“Simula pa lang ito ng partnership namin nina Mayor Arthur at Congw. Rida. Mahaba pa ang pagsasamahan namin,” sambit pa ni Mother Ricky.