Ni: Mary Ann Santiago

Atake sa sobrang excitement ang tinitingnang anggulo sa pagkamatay ng isang binata sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Cesar Pia, 46, empleyado ng hindi pinangalanang kumpanya, ng A-124F C2 Road, Capulong Street sa Tondo, ngunit huli na ang lahat.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima, dakong 4:30 ng madaling araw.

FL Liza, mga anak nagpaabot ng pagbati kay PBBM sa Father’s Day

Katatapos lamang maligo ng biktima para sumama sa kanilang company outing ngunit habang gumagayak ay bigla na lang umano itong nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Isinugod si Pia sa ospital ng kanyang mga kasamahan sa trabaho na sina Dante Pimentel at Aidee Bohol, ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Nabatid na matagal nang iniinda ng biktima ang pananakit ng kanyang dibdib.