Ni: Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Pinaniniwalaang hindi matanggap ng isang binata na hiniwalayan siya ng kanyang girlfriend kaya nagawa niyang magpakamatay sa Lingayen, Pangasinan.

Kinilala kahapon ang nagpatiwakal na si Raymart De Guzman, 24, construction worker, residente ng Barangay Bantayan, Lingayen, Pangasinan.

Napag-alaman na nagbigti si De Guzman sa kawayang bubong ng kanyang bahay.

Probinsya

Rockfall events, PDCs, at pagbuga ng abo, patuloy binabantayan sa Mayon; ‘Alert Level 3,’ nakataas pa rin

Ayon sa pamilya ni De Guzman, hindi ito ang unang beses na pinagtangkaan ng binata ang sariling buhay.