DETERMINADO ang Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc. na gibain ang rekord na nagawa nito noong nakaraang taon kung saan nakapagtala sila ng mahigit sa 6,000 entries.
Binubuo ng 45 lokal na asosasyon, ang PFGB-Digmaan ay naglatag ng P60 milyon garantisadong premyo sa taon ito, mas mataas ng P10 milyon kumpara noong 2016.
Ang Thunderbird Power Feeds at Thunderbird Powervet ay muling ibinibigay ng buong suporta sa 2017 Digmaan bilang pagkilala sa sa malaking kontribustyon nito sa patuloy na paglaki ng industriya ng manok-panabong sa Pilipinas.
Sa pangunguna nina Chairman Nestor Vendivil at President Wilson C.P. Ong patuloy na umaangat pataas ang PFGB-Digmaan na napatunayan matapos ang 2017 Digmaan-wingbanding noong nakaraan Abril ay nakapagband ng mahigit sa 500,000 mga batang stags sa buong bansa.
Ang 3-stag eliminasyon ay magsisimula sa Oktubre, subali’t ang mga local na asosasyon ay tatanggap din ng mga tinatawag na piggy-backed entries kung saan ang mga kalahok ay maaring magbayad din ng entry fee para sa Digmaan 2017 upang ang anuman nilang iskor sa lokal na labanan ay magagamit o maike-kredit na rin sa kanila sa 2017 Digmaan.
Ang P60 milyon garantisadong premyo ay nangangailangan lamang ng entry fee na P12,000 at minimum bet na P5,500.
Ang 4-stag national elims ay nakatakda sa San Juan Coliseum sa Nobyembre 15 & 27 at sa Disyembre 4; samantalang ang 4-stag national semis ay papagitna sa San Juan Coliseum din sa Disyembre 11 (1st & 2nd elims) at Disyembre 13 (3rd elims & straight 7 entries).