Ni: Tara Yap

ILOILO CITY – Kalahating araw na walang kuryente ang ilang lugar sa Aklan at Antique ngayong Linggo, Hunyo 25.

Nakatakdang isara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ilang transmission facility nito para sa maintenance work sa dalawang nabanggit na lalawigan.

Sinabi ni Michelle Visera, NGCP corporate communications officer, na magsisimula ang 11-oras na brownout ng 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ngayong Linggo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Maaapektuhan ng power interruption ang mga sineserbisyuhan ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa Lezo, Andagao at Nabas sub-stations, kasabay ng pagtiyak na hindi maaapektuhan ng brownout ang Boracay Island sa Malay.