Ni: Ric Valmonte

TINAWAG na “gago” ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang justice ng Court of Appeals (CA). Inakusahan pa niya ang mga ito ng, “ignorance of the law.” Ang pinatatamaan niya rito ay ang mga mahistradong bumubuo ng CA Special Fourth Division na sina Associate Justice Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonio-Valenzuela.

Sila ang nagpasiyang ibigay writ of habeas corpus na hiniling ng anim na opisyal ng Ilocos Norte na pinatawan ng contempt at ipinakulong ng House Committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga sa illegal procurement ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan ng provincial government. Tumanggi kasi silang sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas tungkol sa paggamit ng tobacco excise tax fund.

Binantaan pa ni Alvarez ang mga mahistrado na magsasampa siya ng kasong disbarment sa Korte Suprema. Bukod dito, ipabubuwag daw niya ang CA. Hindi naman nabahala si AJ Cruz. Maluwag daw niya itong tinatanggap para lumabas ang katotohanan. “Kung nagkamali kami,” aniya, “pwede naman silang umapela sa Korte Suprema.” Sa pagtatanggol ni AJ Rosemari Carandang sa kapwa niya mahistrado, pinaalalahanan niya si Alvarez na alamin ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa totoo lang, pinalaki na ng kapangyarihan ang ulo ni Alvarez. Nakalimutan niya na pansamantala lamang itong ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan. Nauna rito ay iyong arogante niyang reaksiyon sa katanungan sa kanya ng mga mamamahayag tungkol sa magiging desisyon ng Korte Suprema sa mga petisyong idinulog dito. May mga petisyong kasing humihiling sa Korte na obligahin ang Kongreso na repasuhin ang martial law declaration ng Pangulo. Nais ng mga petisyon na sundin ang Saligang Batas na sa sama-samang pagtitipon ng Kamara at ng Senado ay busisiin ang ideneklarang martial law at alamin kung ito ay naaayon sa batayang isinasaad nito. Kapag umayon sa kahilingan ng mga petisyon ang magiging desisyon ng Korte, sinabi ni Alvarez na, “pupunitin ko ito.”

Kaya tama si naging Sen. Rene Saguisang sa puna niya kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre na “nasama ito sa barkada.”

Naging reaksiyon ito ng dating Senador sa katanungan sa kanya ng mga mamamahayag kung bakit pinagbintangan ng kalihim ang ilang senador, tulad nina Sen. Trillanes at Bam Aquino, na nakipagsabwatan sa mga rebelde sa Marawi, gayong wala naman itong batayan? Dahil daw nasama sa barkada, ang dating mabait na si Aguirre ay naging pinakasinungaling na.

Nasama sa barkada si Alvarez, kaya ayan para na rin siyang ibon na nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw. Hindi lang sina Alvarez at Aguirre ang ganito umasta sa tangan nilang kapangyarihan. Maging si Solicitor General Calida, sa ilang pagkakataon, ay naging arogante sa kanyang reaksiyon sa mga tumuligsa sa administrasyon. Pati ang mga mambabatas na tagasunod ni Alvarez. Sukat ba namang nag-isyu sila ng show cause order sa tatlong mahistrado para papanagutin sa kanilang ginawa.

Ganito ang uri ng mga opisyal ng gobyerno na lumabas ayon sa modelo ng liderato ni Pangulong Digong: Hindi mapagkumbaba, arogante at palalo.