Ni: Mina Navarro

Pinaalalahanan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga employer sa pribadong sektor na bayaran nang tama ang kanilang mga manggagawa sa Hunyo 26, na isang regular holiday para sa Eid’l Fitr.

“As the Filipino nation unites with the Muslim community in celebration of the Feast of Ramadhan, we are reminding employers to comply with general labor standards, particularly with the proper payment of wages,” ani Bello.

Alinsunod sa batas, ang empleyado na hindi nagtrabaho, ay babayaran ng 100 porsiyento ng kanyang sahod sa naturang araw.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kapag nagtrabaho, tatanggap siya ng 200% ng kanyang regular na suweldo sa unang walong oras; kung sumobra sa walong oras (overtime work) ang trabaho, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate, at kapag tumapat ito sa araw ng kanyang pahinga (day off), siya ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanyang daily rate ng 200%.

Kung siya ay nag-overtime sa regular holiday na tatapat din sa kanyang day off, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa nabanggit na araw.