SAKSIHAN sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ang laban sa buhay ng isang may person with disability (PWD) na vegetable vendor matapos sumikat dahil sa kumalat na litrato online ng kanyang custom-made tricycle na ginagamit niyang panghanapbuhay.

MMK SUPER DAD 3 copy

Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi naman ipinanganak na PWD si Tatay George (Ketchup Eusebio). Sa katunayan, malusog at malakas siyang bata. Ngunit sa murang gulang ay pinilit na siyang magtrabaho ng kanyang ama, at ito ang naging sanhi ng pagkaparalisa ng kanyang binti.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Nawasak ang kanyang pangarap nang pahintuin siya ama sa pagpasok sa eskuwela. Dala ng sama ng loob, naglayas si George.

Unang eroplano lumapag sa bagong gawang paliparan ng Camotes

Alamin kung paano niya hinarap na mag-isa ang buhay. Ano ang nag-udyok sa kanya upang buuin ang kanyang custom-made na tricycle? Ano ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para lumaban?

Makabituin ni Ketchup sa upcoming episode sina Empress Schuck, Allan Paule, Alicia Alonzo, Crispin Pineda, Justin James Quilantang, at Marco Masa, mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Diosdado Lumibao.