Ni: Mary Ann Santiago

Babala sa mga jeepney driver dahil isa umanong barumbadong driver ng pampasaherong jeep ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal nang mahulog at masugatan ang kanyang pasahero sa Malate, Maynila nitong Miyerkules.

Kasong reckless imprudence resulting in physical injury ang kakaharapin ni Alberto Olandesca, 44, ng 1478 Quirino Street, Tondo, habang in-impound na rin ang kanyang jeep (TXR-219).

Sa reklamo ni Manasseh Ephrain Dizon, 21, estudyante, ng 121 Cicero St., Sta. Rosa, Laguna, naganap ang insidente sa north bound ng Taft Avenue, Malate, dakong 12:35 ng tanghali nitong Hunyo 21.

Ilang paaralan sa Dagupan, 'shifting' sa pasukan dahil sa banta ng pagbaha

Una rito, sakay umano ang biktima sa jeep ni Olandesca at pagsapit sa Burgundy Tower sa Taft Avenue ay pumara ang biktima upang bumaba.

Inihinto ni Olandesca ang jeep ngunit hindi pa man tuluyang nakakababa si Dizon ay pinaharurot na ng una ang sasakyan at nahulog ang biktima.