Ni: Cover Media
KINASUHAN si Charlie Sheen ng kanyang ex girlfriend sa panghahawa rito ng human immunodeficiency virus (HIV).
Naghain ang dating fiancee ng ex-Two and a Half Men star na si Scottine Ross ng reklamo laban kay Charlie noong Disyembre, 2015, na inaakusahan siya ng panghahawa ng virus, kasabay ng mga akusasyon ng pisikal at emosyonal na pananakit habang sila ay magkarelasyon.
Nakabitin ang reklamo para sa arbitration.
Ngayon ay iniulat ng Variety na isang bagong kaso ang inihain sa Los Angeles County Superior Court nitong Huwebes laban sa isang “confidential male defendant”. Ibinunyag ng mga papeles sa korte na ang defendant sa kaso ay nadiskubre na positibo siya sa HIV noong 2011 at nagbigay din ng panayam sa national television na tinatalakay ito noong Nobyembre, 2015 at Hunyo, 2016.
Natuklasan ni Charlie Charlie na positibo siya sa HIV noong 2011, at ibinunyag ito sa publiko sa panayam sa kanya ng U.S. TV program na The Today Show noong Nobyembre 17, 2015. Nagbigay siya ng update sa kanyang kalusugan sa parehong show ngayong buwan.
Ang plaintiff sa case ay inilarawan na isang “Russian emigre” na si Jane Doe – ang legal name na ibinibigay sa isang anonymous defendant.
Ibinunyag sa reklamo na nagkakilala ang dalawa noong Setyembre, 2015 at nagkaroon ng sexual relationship. Diumano’y paulit-ulit na tinanong ni Jane Doe ang kanyang bagong boyfriend kung nagkaroon ito ng sexually transmitted diseases at sinagot diumano siya na maayos ang kalusugan nito.
Isinusuhestiyon din na kahit gumamit ang magkarelasyon ng condom noong una, kalaunan ay nagkaroon sila ng unprotected oral sex at pagtatalik, bago ibinunyag ng hindi pinangalanang lalaki na siya ay may HIV.
Sinabi ng plaintiff na binigyan siya ng defendant ng dalawang pills upang protektahan siya laban sa virus at kaagad siyang nagpagamot.
Wala pang komento si Charlie tungkol sa mga ulat.