Ni ADOR SALUTA

ININTERBYU sa Tonight With Boy Abunda si Daniel Padilla, ang kalahati ng number one na love team sa Pilipinas ngayon at napag-usapan ang pagdyi-gym at papgpapaganda ng katawan ni Kathryn Bernardo bilang paghahanda sa kanilang seryeng La Luna Sangre.

DANIEL AT KATHRYN copy copy copy

Nagbigay ng komento si Daniel sa mga lalaking humahanga at nagpapantasya sa kanyang girlfriend.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Totoo naman. Lalo na ngayon, Tito Boy (Abunda), ah, si Kathryn, talagang ooh... (sexy). At saka talagang ‘yung ‘binibigay niyang effort at oras sa paggi-gym and sa ginagawa niya, I think deserving naman talaga siya na maging hot talaga — napakaganda,” may himig pagbibirong sabi ni Daniel.

Pabiro pa ring dugtong niya, para sa admirers ng dalaga, “Hanggang maglaway lang sila. Hanggang doon lang sila,” sabay tawa. Sabay bawi, pero nagbibiro pa rin, “Hindi, okay lang naman, Tito Boy. Libre lang naman ang mangarap.”

Nang tanungin kung gusto ba niyang magkaroon ng abs: “Tamad akong magkaroon, Tito Boy. The gym and the diet, hintayin ko munang may magalit sa akin bago ako magkaroon.”

Komento ng King of Talk, sa kabila nito, marami pa rin ang nagsasabing “really hot” siya, na sinagot naman ni Daniel ng, “Talaga? Parang weird lang, parang hindi naman.”

Sa ‘Fast Talk’ segment, tinanong si Daniel kung mas protective ba siya kay Kathryn as a kuya or as a boyfriend.

“Pareho,” sagot ng binata.

Kailan siya huling kinilig?

“Kahapon. Magkasama kami ni Kathryn kahapon.”

Nang tanungin kung anong klaseng boyfriend siya, “Hindi ko masasabing perfect boyfriend, pero pinagtatrabahuan nating maging the best boyfriend na mayroon,” pagtatapos ng kanilang interbyuhan.

Ayon sa Star Creatives, ang production unit ng ABS-CBN na gumagawa ng top-rating na La Luna Sangre, magsisimula nang mapanood ang KathNiel sa Lunes.

Marami ang nag-aabang sa bagong KathNiel dahil slightly matured na ang roles nila ngayon, nagpaganda sila ng katawan at nag-aral ng martial arts dahil mapapanood silang nakikipaglaban sa mga bampira at lobo.